Oriental Mindoro – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng Calapan City Police Station sa mga Indigeneous People (Alangan Mangyan) ng Brgy. Bondoc, Calapan City, Oriental Mindoro noong ika-28 Ng Disyembre 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Captain Hilario Eugenio sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Danilo Driz Jr,. Chief of Police ng Calapan CPS kasama ang Rotary Club of Downtown Calapan.

Namahagi ang mga kapulisan ng libreng damit, mga laruan para sa mga bata at food packs sa mga residente ng nasabing lugar.

Pasasalamat naman ang naging batid ng mga benepisyaryo sa natanggap na hatid ng ating mga kapulisan.
Layunin ng nasabing aktibidad na mapanatili at mapalakas ang koneksyon ng grupo at makapagpasaya sa mamamayan.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus