Kusang sumuko sa pwersa ng pamahalaan ang isang CTG member sa PNP sa Brgy. Guadalupe, Janiuay, Iloilo, bandang alas-4:34 ng hapon noong Miyerkules, ika-27 ng Disyembre 2023.
Ang naturang pagbabalik-loob ay pinangasiwaan ng 603th Company, RMFB 6 (Lead Unit) katuwang ang Lambunao MPS, at 82IB, 3ID, Philippine Army.
Kinilala ni Police Major Norbert Sipole, Company Commander ng 603th Coy, RMFB 6, ang sumuko na si alyas “Ka Romel”, 33, residente ng Tinagong Dagat, Brgy. Cabatangan, Lambunao, Iloilo, at miyembro ng Igcabon Platoon, Central Front Committee, KR-Panay (CTG-NPSRL)
Kasabay ng pagbabalik-loob ni “Ka Romel” ay ang pagbaba at pagsuko nito ng kanyang hawak na armas na isang yunit ng homemade shotgun at mga bala.
Ang sumukong CTG member ay nasa pangangalaga ngayon ng 603th, RMFB 6 na sumasailalim sa custodial debriefing habang inaayos ang mga dokumento nito para sa mga benepisyong makukuha mula sa Enhance Comprehensive Local and Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan.
Patuloy naman ang panawagan ng PRO 6 top cop na si PBGen Sidney Villaflor, sa mga natitira pang miyembro ng CTG sa rehiyon na magbalik-loob sa ating pamahalaan, upang mamuhay ng payapa kapiling ang mga mahal sa buhay at makiisa sa mga programa ng gobyerno tungo sa pangmatagalang kapayapaan sa bansa.