Nagsagawa ng Community Outreach Program na tinaguriang “Panag-aywan iti Kailyan” ang mga bumubuo ng 1502nd Manuever Company, Regional Mobile Force Battalion 15 sa Brgy. Talludan, Tinoc, Ifugao nito lamang ika-25 ng Disyembre 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Captain Harrison Humiwat, Officer-In-Charge ng 1502nd Manuever Company, kasama ang mga tauhan ng Tinoc Municipal Police Station. Gayundin ay nakiisa ang mga Barangay Officials ng nasabing barangay na pinamumunuan ni Hon. Raymundo Baguista.
Nabigyan ng wheelchair at gift package si Ms. Maria Gaduan na may cerebral palsy at isa sa mga benepisyarno ng nasabing proyekto.

Naging matagumpay ang proyekto ng RMFB15 dahil na rin sa tulong ng C&T Builders at JMLA Meat Tradings na isa sa kanilang mga stakeholders.
Ito ay isang patunay ng hindi natitinag ang dedikasyon ng PNP katuwang ang stakeholders sa paghahatid ng tulong at malasakit sa mga mamamayan.
Source: RMFB 15