Nagsagawa ng Project S.I.B.O.L. (Simula ng Isang Bagong Oportunidad ng Lipunan) sa pamamagitan ng Hand Soap Making ang mga tauhan ng Mandaluyong City Police Station na ginanap sa Barangay Daang Bakal Conference Room, Mandaluyong City nito lamang Martes, Disyembre 19, 2023.
Ito ay pinangunahan ng mga tauhan ng Station Community Affairs and Development Section sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Captain Jurana Ollaging, Chief, SCADS, katuwang ang Mandaluyong Anti-Drug Abuse Council (MADAC) sa pamumuno ni G. Tracy Rhoy Domingo, Executive Director.

Sama-samang nakiisa ang mga dumalo sa programa para sa kanilang dagdag kaalaman.
Kaya naman namahagi ang mga tauhan ng MADAC ng hand soap starter kit sa mga aktibong nakilahok sa aktibidad.
Layunin nitong tulungan ang mga mamamayan na magkaroon ng ibang pagkakakitaan at makakuha ng mga ideya kung paano makapagbenta ng mga produkto na kanilang gagawin.
Source: Mandaluyong Cps
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos