Huli ang isang High Value Individual matapos makuhanan ng ilegal na droga at isang baril sa inilunsad na drug buy-bust operation ng Iloilo City Police Station 1 sa Sto. Rosario St., Brgy. Sto. Rosario Duran, City Proper, Iloilo City, alas-3:10 ng umaga, ika-21 ng Disyembre 2023.
Kinilala ni PCol Joeresty Coronica, City Director ng Iloilo City Police Office, ang suspek na si alyas “Boyboy”, na naaresto matapos itong makipagpalitan ng isang pakete na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu sa nagpanggap na poseur buyer.
Ayon kay PCol Joeresty Coronica, makaraang maaresto ang suspek, nakuha pa rito sa isinagawang body search ang dalawang knot tied transparent plastic sachet na naglalaman ng suspected shabu, isang unit ng homemade revolver na kargado ng dalawang cartridge, buy-bust money, at ilang mga non-drug items.
Lahat ng drogang nakumpiska sa suspek ay may tinatayang timbang na 115 gramo at nagkakahalaga ng aabot sa Php783,000.
Bahagi ang matagumpay na operasyon sa walang tigil at mas lalong umiigting na kampanya ng Iloilo City PNP at sa matatag na suporta ng mamamayan upang masugpo ang ilegal na droga siyudad.