Nagsagawa ng community outreach program ang mga tauhan ng 1st Samar Provincial Mobile Force Company na ginanap sa Brgy. Tinambacan Sur, Calbayog City, Samar nitong ika-20 ng Disyembre 2023.
Ito ay pinangunahan ni Police Chief Master Sergeant Marlon Dwight B, Platoon Sergeant sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Seth Mark Alob, Force Commander kasama si Pastor Felicisimo S. Sagadal Jr. mula sa Lord of Lords International Ministry.

Mahigit 80 na mga bata sa lugar ang nabigyan ng meryenda, tsinelas at prutas. Nabigyan din ang kanilang mga magulang ng damit.
Ang aktibidad ay isa sa mga best practices ng 1st Samar PMFC na tinaguriang “Paa Mo, Tsinelas Ko tungo sa Kinabukasan mo”.
Nagsagawa rin ng lecture ang mga kapulisan patungkol sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 at RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.

Namahagi rin sila ng flyers at leaflets tungkol sa kampanya laban sa ilegal na droga at paglaban sa terorismo.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong mapasaya ang mga kapus-palad na mga bata ngayong nalalapit na pasko at palakasin ang maayos na relasyon ng pulisya at ng komunidad.