Arestado ang limang katao matapos magsagawa ng Anti-Gambling Operation ang mga tauhan ng Southern Police District nito lamang Martes, Disyembre 12, 2023.
Kinilala ni PBGen Mark Pespes, Acting Director ng SPD, ang mga suspek na sina alyas “King”, 42, cashier/maintainer, at bettors na si alyas “Bebang”, 40, at alyas “Tutoy”, 18, na naaresto sa unang lugar na pinuntahan ng kapulisan.
Ayong kay PBGen Pespes, naganap ang operasyon sa pinagsanib puwersa ng District Special Operations Unit, sa pakikipagtulungan ng DID-SPD, at Baclaran Police Substation 1 ng ParaƱaque CPS bandang alas-6:00 ng gabi sa iba’t ibang lugar sa Brgy. Baclaran, ParaƱaque City.
Sa area 2 naman, sa kahabaan ng L. Gabriel Street, Brgy. Baclaran, nahuli ang mga bettors na sina alyas “Ace”, 31 anyos at “Tanting”, 30 anyos.
Samantala, ang pangatlong target area naman ay nasa loob ng Mactan Street, Brgy. Baclaran kung saan ang mga video karera machine ay sinasabing pinatatakbo nina alyas “Boyet” at “Buboy” na nakaiwas sa pagkakaaresto.
Ang operasyon ay nagbunga ng pagkakakulimbat ng iba’t ibang gambling machine at taya ng pera mula sa mga naarestong indibidwal, 11 fruit game machine, dalawang horse betting machine, kasama ang taya ng pera at mga personal na gamit.
Reklamo para sa paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling (video karera) ang kahaharapin ng mga naarestong suspek.
Tiniyak naman ni PBGen Pespes, na susuyurin ng pulisya ang bawat iskineta sa kanilang nasasakupan upang buwagin ang mga pasugalan na patuloy na nag-ooperate ng mga ilegal na aktibidad upang hindi makapang biktima at hindi malulong sa sugal ang mga taga Southern Metro.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos