Arestado ang isang drug personality sa isinagawang buy-bust operation ng Ma-a PNP sa DBP Villge Ma-a Road, Davao City nito lamang Disyembre 11, 2023.
Kinilala ni Police Major Ma. Teresita Gaspan, Station Commander ng Ma-a Police Station, ang suspek na si alyas “RayRay”, babae, tinaguriang Top 3 High Value Individual sa Regional Level.
Naaresto ang suspek matapos mahuli sa akto ng pagbebenta ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Ma-a PS at sa pakikipagtulungan ng PDEA XI.
Nakuha mula sa suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang na 6 na gramo na may street market value na Php40,800.
Kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa sa nasabing suspek.
Ang laban kontra ilegal na droga sa Rehiyon Onse ay lalo pang paiigtingin ng Police Regional Office 11 upang makamit ang kanilang layunin na gawing drug-free ang rehiyon.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara