Arestado ng mga tauhan ng Bukidnon Police Provincial Office Drug Enforcement Unit at Kalilangan Municipal Police Station ang isang 15-anyos na binatilyo at nasamsam ang tinatayang Php394,400 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Purok 1, West Poblacion, Kalilangan, Bukidnon bandang 12:50 ng tanghali nito lamang ika-13 ng Disyembre 2023.
Kinilala ni Police Colonel Jovit Culaway, Provincial Director ng Bukidnon Police Provincial Office, ang suspek na 15-anyos, at residente ng Barangay Park Area, Wao, Lanao del Sur.
Nakumpiska mula sa suspek ang tinatayang 58 gramo ng shabu na may street value na Php394,400, shabu container, isang sling bag, isang cellphone, at buy-bust money.
Patuloy ang Bukidnon PNP sa pagpapaigting kontra kriminalidad lalong lalo na sa ilegal na droga upang masiguro ang kaligtasan at kapayapaan sa probinsya ng Bukidnon.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris