Boluntaryong sumuko ang isang dating rebelde sa mga tauhan ng Aurora 2nd Provincial Mobile Force Company at isinuko ang armas nito sa Barangay Dibacong, Casiguran, Aurora nito lamang Linggo, ika-10 ng Disyembre 2023.
Ang naturang pagbabalik-loob ay naging posible sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Cielo Caligtan, Force Commander ng Aurora 2nd Provincial Mobile Force Company.
Isinuko rin ng dating rebelde ang isang calibre 38 revolver, isang rifle grenade, isang blasting cap, at tatlong pirasong subversive na dokumento.
Kasabay nito, lumagda at nanumpa ng Oath of Allegiance to the Government ang naturang dating rebelde bilang pagtalikod sa mga maling gawain ng armadong grupo.
Sinisiguro ng Aurora 2nd PMFC na patuloy ang kanilang pagpapaigting laban sa insurhensiya at terorismo upang tuluyan ng magbagong buhay ang mga natitirang kasapi ng CPP-NPA-NDF sa ating bansa.
Source: Aurora 2nd PMFC
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera