Pampanga – Tuloy-tuloy na umaarangkada ang Community Outreach Program ng Mabalacat City PNP sa Duyan ni Maria Children’s Home Inc. ng Barangay Dapdap, Mabalacat City, Pampanga nito lamang Biyernes, ika-8 ng Disyembre 2023.

Pinamunuan ito ni Police Lieutenant Colonel Alfredo Canlas, Acting Chief ng Mabalacat City Police Station.
Namahagi ang mga awtoridad ng libreng loaf bread, grocery packs at mga laruan na kung saan labis na ikinatuwa ng mga batang naninirahan sa nasabing bahay ampunan.

Sinisiguro ng Mabalacat City PNP ang patuloy na paghahatid ng serbisyo at mapagtibay ang magandang ugnayan ng PNP at pamayanan.
Source: Mabalacat City Police Station
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera