Tiklo ang itinuturing na Regional Priority High Value drug supek matapos makuhanan ng nasa Php4,080,000 na halaga ng suspected shabu sa ikinasang drug buy-bust operation ng pulisya sa C1 Road, Brgy. Sooc, Arevalo, Iloilo City, nito lamang ika-8 ng Disyembre 2023.
Pasado alas-1:00 ng madaling araw ng ikasa ang nasabing operasyon ng mga operatiba ng Regional Police Drug Enforcement Unit 6, kasama ang City Drug Enforcement Unit ng Iloilo City Police Office.
Kinilala ni Police Captain Glenn Soliman, OIC ng RPDEU6 ang nahuling drug personality na si alyas “Borgok.
Ayon kay PCpt Soliman, narekober sa suspek ang 15 plastic sachet na naglalaman ng suspected shabu, 8 na piraso ng knot tied plastic na naglalaman din ng pinaghihinalaang shabu, buy-bust money, proceeds money, isang unit ng black Suzuki Burgman with ignition key, at ilang non-drug items.
Ayon pa kay PCpt Soliman, tinatayang 600 gramo ng pinaniniwalaang shabu ang kabuuang nakumpiska sa suspek.
Dagdag pa ni PCpt Soliman, halos isang buwan na isinailalim sa monitoring ang subject person bago ang matagumpay na buy-bust operation.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.”
Ang matagumpay na anti-illegal drug operation ay bunga ng walang tigil na laban ng Police Regional Office 6 kontra ilegal na droga upang makamit ang isang maayos at drug free na rehiyon.