Arestado ang isang drug personality sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Purok 7B, Brgy. Poblacion, Banaybanay, Davao Oriental nito lamang Disyembre 06, 2023.
Kinilala ni Police Captain Bryan Conson, Officer-In-Charge ng Banaybanay Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Richard”, tinaguriang Top 4 High Value Individual sa Regional Level.
Naaresto ang suspek matapos mahuli sa akto ng pagbebenta ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Drug Enforment Unit ng Banaybanay MPS.
Nakuha mula sa suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang na isang gramo na may street market value na Php6,800 at marked money na ginamit sa operasyon.
Kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa sa nasabing suspek.
Ang pagkakadakip sa suspek ay malaking kabawasan sa hanay ng mga nagpapalaganap ng ilegal na droga sa Rehiyon Onse.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara