Oras, Eastern Samar (January 20, 2022) – Nahuli ng mga tauhan ng Oras Municipal Police Station ng Eastern Samar ang isang opisyal ng barangay sa paglabag sa COMELEC Gun Ban sa Brgy. Tiguib, Oras, Eastern Samar noong ika-20 ng Enero, 2022 ng umaga sa isinagawang pagresponde sa sumbong ng isang concerned citizen.
Agarang rumesponde ang mga tauhan ng Oras Municipal Police Station sa pangunguna ni PMaj Jose Tiu, Jr kasama ang Barangay Based Advocacy Support Group sa sumbong ng isang concerned citizen, na ang suspek ay may dala-dalang baril habang ito ay nasa palengke ng Brgy. Tiguib.
Ang nahuling suspek ay kinilalang si Leo Quimada, 46, may asawa at Brgy. Chairman ng Brgy. Nadacpan, Oras, Eastern Samar, na lumabag sa RA 10591 at Violations of Sec. 261 of the Omnibus Election Code at Sec. 32 of RA 7166 in relation to COMELEC Resolution 10728.
Nakuha mula sa suspek ang baril na nakatago sa kanyang baywang at pagkatapos ay kinapkapan ito hanggang sa isa pang baril ang nakita sa loob ng kaniyang slingbag. Hiningan ang suspek ng dokumento sa naturang mga baril pero wala siyang naipresenta.
Dinala ang suspek sa Police Station pati ang nakumpiskang mga ebidensya para sa tamang disposisyon at dokumentasyon.
The Philippine National Police is exerting all its best effort in making the election period safe, peaceful and orderly. PBGen Rommel Bernardo Cabagnot, Regional Director, PRO 8 keeps on reminding all the personnel in his leadership to be extra vigilant and work hand in hand with the community-based peace groups. “I would like you to keep this in mind, the success of the coming elections lies in our determination and passion in making it a generally peaceful one,” saad ni RD Cabagnot.
#####
Panulat ni PSMS Reynaldo Pangatungan