Quezon – Isinagawa ang community outreach program at masayang dinaluhan ng mga kabataan kasama ang kanilang mga magulang na ginanap sa Brgy. Masalukot, Candelaria, Quezon nito lamang ika-6 ng Disyembre 2023.
Nakiisa din sa naturang aktibidad ang force multipliers na pinangungunahan ni Isagani Torres.
Naging posible ang naturang programa dahil sa pagsisikap ni Police Lieutenant Colonel Bryian Merino, Chief of Police ng Candelaria Municipal Police Station.
Humigit kumulang sa 100 ang nabigyan ng tulong pinansyal at grocery packs ng nasabing grupo.
Ang aktibidad ay nagpapakita ng serbisyong nagkakaisa kasama ang organisasyong boluntaryong tumutulong sa komunidad upang makapag-abot ng tulong sa mga nangangailangan.