Basilan – Nakiisa sa ika-31 selebrasyon ng National Children’s Month ang mga miyembro ng 1403rd Regional Mobile Force Company ng Regional Mobile Force Battalion 14-B sa pamumuno ni Police Captain Ferick Jay Comafay na ginanap sa Maluso, Basilan nito lamang ika-5 ng Disyembre 2023.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development at Bangsamoro Ministry of Health ng Maluso katuwang ang 53rd Special Action Company ng PNP SAF, 1st Provincial Mobile Force Company ng Basilan Police Provincial Office at Maluso Municipal Police Station.
Naging matagumpay ang aktibidad kung saan nakapagbigay serbisyo tulad ng pamamahagi ng hygiene kits, libreng gupit, at outreach program para sa Kabataang Badjao ng Yellow School of Hope.

Layunin ng aktibidad na pagtibayin ang samahan ng PNP at komunidad na daan upang mahubog ang kaisipan ng mga kabataan na ang kapulisan ay kanilang kakampi at huwag katakutan.
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz