Pampanga – Nagsagawa ang Regional Police Community Affairs and Development Unit 3 at Pampaga 1st Provincial Mobile Force Company ng Community Outreach Program sa mga mag-aaral ng San Pedro Cutud Day Care Center ng City of San Fernando, Pampanga nito lamang Martes, ika-5 ng Disyembre 2023.

Pinamunuan ito ni Police Lieutenant Colonel Alex Apolonio, Acting Chief of Police ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 3.
Namahagi ang mga awtoridad ng mga lapis at libreng meryenda na kung saan labis na ikinatuwa ng mga batang mag-aaral kasama ng kanilang mga magulang.

Sinisiguro ng Gitnang Luzon PNP ang patuloy sa paghahatid ng serbisyo at maipadama sa mga bata na ang pulisya ay laging maasahan.
Source: RPCADU3
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera