Cagayan – Nakiisa ang mga miyembro ng Cagayano Cops sa spiritual gathering sa pangunguna ni Retired Police Major General Mao Aplasca bilang My Brother’s Keeper – Core Advocate sa Solana Gymnasium, Barangay Centro, Solana, Cagayan noong Disyembre 5, 2023.
May dalawang pangkat ang kinakatawan ng acronym na “PNP” sa naturang spiritual gathering; una ay ang “Pastor Ng Panginoon” at ang “Pulis Ng Panginoon”.

Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ng mga iba’t ibang miyembro ng Pastor ng Panginoon mula sa iba’t ibang relihiyon kasama ang mga Pulis Ng Panginoon bilang bahagi na rin ng moral enhancement ng mga ito upang mas lalo pang mapaigting ang magandang ugnayan ng pulisya at ng komunidad.

Naghatid ng inspirational message si Police Major General Aplasca, kung saan binigyang-diin niya na ang regular na pagsasagawa ng mga SWIM ay nagkakaroon ng Organization Change and Transformation Change sa PNP at mas lalong napapatibay ang spiritual aspect ng mga kapulisan upang maging mas maayos ang paninilbihan nila sa komunidad at pati na rin ang relasyon sa kani-kanilang pamilya.
Sa isinagawang aktibidad ay laking pasasalamat ng mga kapulisan dahil naging parte sila ng programa at maipabatid din nila ang kanilang journey mula pa noong nagsimula ang squad weekly interactive meeting para maging inspirasyon na rin sa iba.
Source: Cagayan Police Provincial Office