Arestado ang isang magsasaka na wanted sa kasong pagnanakaw sa operasyon na isinagawa ng mga operatiba ng Alaminos City PNP nito lamang Disyembre 5, 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Jerome Wangkey, Chief of Police ng Alaminos City Police Station, ang suspek na si alyas Alex, 53, may asawa, isang magsasaka at residente ng Brgy. Pandan, Alaminos City, Pangasinan.
Ayon kay PLtCol Wangkey, ang suspek ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong pagnanakaw na walang inirekomendang piyansa.
Ang PNP ay patuloy na ginagampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin para sa mas payapang bansa.
Source: Alaminos City Police Station
Panulat ni PSSg Robert Basan Abella Jr.