Cagayan de Oro City – Tinatayang Php1,700,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa magkasintahan sa ikinasang buy-bust operation ng Regional Drug Enforcement Unit 10 bandang 2:45 ng hapon nito lamang ika-6 ng Disyembre 2023 sa Zone 9, PN Roa Subdivision Calaanan, Barangay Canitoan, Cagayan de Oro City.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Demver Vergara, Hepe ng Regional Drug Enforcement Unit 10, ang dalawang suspek na sina alyas “Manang”, 46 at alyas “Mahamad”, 48, at pawang residente ng John Dorf, Brgy. Opol, Misamis Oriental.
Nakuha sa operasyon ang tatlong malalaking pakete ng hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na 250 na gramo na may Standard Drug Price na Php1,700,000; isang Vivo android phone; isang channel pouch; isang itim na LV wallet; isang brown paper bag; isang itim na Mitsubishi Montero at isang pirasong Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sec 5 at 11 ng Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patunay na patuloy ang Police Regional Office 10 sa mandato laban sa ilegal na droga at kriminalidad upang mapanatiling ligtas at payapa ang komunidad.