Arestado ang Top 10 Regional Most Wanted Person ng Bikol sa isinagawang Manhunt Operation ng Camarines Norte PNP sa Purok 4, Barangay Manguisoc, Mercedes, Camarines Norte nito lamang Disyembre 3, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Joselito Villarosa Jr., Provincial Director ng Camarines Norte PPO, ang akusado sa alyas “Ram”, 18, binata at residente ng nabanggit na lugar.
Ayon kay Police Colonel Villarosa, naaresto ang akusado bandang 10:15 ng umaga ng pinagsanib na mga operatiba ng Mercedes Municipal Police Station, CIDG-Provincial Field Unit, Regional Intelligence Unit-Provincial Intelligence Team, Camarines Norte 1st at 2nd Provincial Mobile Force Company.
Inaresto ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong 2 counts of Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa.
Ang PNP Bicol ay patuloy sa pag-aresto sa mga taong may pananagutan sa batas upang mabigyan ng karampatang hustisya ang mga taong nabiktima nito at pinapaalalahanan din ang publiko na makiisa sa mga programa ng kapulisan para sa isang tahimik at ligtas na komunidad.
Source: Camarines Norte PPO