Tuluyan ng napasakamay ng kapulisan ng Central Visayas ang tinuturing na Top 10 Most Wanted Person ng rehiyon sa kasong Acts of Lasciviousness sa operasyon sa Sitio Coacohon, Brgy. Dunggoan, Danao City, Cebu, Miyerkules, Nobyembre 29, 2023.
Sa pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng 701st Maneuver Company, Regional Mobile Force Battailon 7, Lapu-Lapu City Police Office, Cebu City Police Office, at Danao City Police Station, ang akusado na kinilalang si “Jimmy, 43, residente ng lugar ay nadakip dakong alas-9:30 ng umaga..
Patuloy naman na hinihimok ng kapulisan ang komunidad sa patuloy na pakikiisa sa pagsusulong at pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan ng komunidad.