Zamboanga City (January 21, 2022) – Pinuri ni Police Colonel Alexander Lorenzo, Acting City Director, ang kahanga-hangang tagumpay ng mga operating unit ng 2nd Zamboanga City Mobile Force “Seaborne” Company para sa pagsasagawa ng pinaigting na manhunt Charlie campaign sa Barangay Tandung Ahas, Lamitan, Basilan Province na nagresulta sa pagkakaaresto sa Top 6 Most Wanted Person, Regional level, Police Regional Office 9, noong Enero 21, 2022.
Katuwang din sa operasyon ang Police Station 2 Curuan, Police Station 11 Central, 53rd Special Action Companies-PNP/Special Action Force, 3rd Regional Mobile Force Company/Regional Mobile Force Battalion-Basulta, Ex-O Lamitan Municipal Police Station/Police Regional Office-BAR, Scene of the Crime Operatives Basilan Provincial Police Office, 1st Provincial Mobile Force Company-Basilan at Criminal Investigation Unit-Zamboanga City Police Office.
Kinilala ni Police Colonel Lorenzo ang akusado na si Abdul Yaser y Latip, 41 taong gulang, may asawa, isang na-dismiss na tauhan ng AFP, kasalukuyang naninirahan sa Barangay Tandung Ahas, Lamitan, Basilan Province kung saan siya inaresto bandang 1:37 AM ng Enero 21, 2022
Ang akusado na si Abdul Yaser ay may Warrant of Arrest para sa krimen na “Murder” (1 count), “Frustrated Murder” (2 counts) at “Attempted Murder” (3 counts) na naka-docket sa ilalim ng Criminal Case Number 29124, 29125, 29126, 29127.
Binigyang-diin ni Police Colonel Lorenzo na ang matagumpay na pinagsamang operasyon ng pulisya ng PNP ZCPO ay nagpapakita ng matibay na pangako nito na patuloy na makipagtulungan sa iba pang mga yunit sa pagpapatupad ng batas sa paglaban sa mga wanted na tao, kriminalidad at iba pang anyo ng mga ilegal na aktibidad.
####
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong
Galing naman slamat s mga kapulisan