Monday, January 13, 2025

Suspek sa pamamaril sa isang pulis, timbog ng South Cotabato PNP

Napasakamay ng mga awtoridad ang isa sa apat na mga suspek sa nangyaring pamamaril sa isang pulis sa Brgy. Liwanay, Banga, South Cotabato nito lamang ika-29 ng Nobyembre 2023.

Kinilala ni Police Colonel Arnold Santiago, Officer-In-Charge, South Cotabato Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Arnie”, nasa wastong gulang, may asawa at residente ng T’boli, South Cotabato.

Matatandaan na bandang 8:00 ng gabi nang pinagbabaril ng mga suspek ang biktima na si Police Executive Master Sargeant (PEMS) Jerico Tambanillo Magbanua na nakatalaga sa Surallah Municipal Police Station kung saan nagtamo ito ng tama ng bala sa kanyang tiyan.

Sa agarang aksyon at isinagawang hot pursuit operation ng mga tauhan ng Surallah Municipal Police Station, T’boli PNP, 2nd South Cotabato PMFC at iba pang operatiba ng South Cotabato Police Provincial Office ay naaresto ang isa sa mga suspek.

Samantala, kasalukuyang ginagamot ang biktima habang nagpapatuloy pa rin ang malalim na imbestigasyon para mahuli ang iba pang mga kasamahan ng suspek at nananawagan ang South Cotabato PNP ng kooperasyon ng mamamayan upang mapabilis ang pagresolba ng naturang pamamaril.

Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,330SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles