Cagayan de Oro City – Arestado ang 22 anyos na lalaki matapos makuhanan ng baril at droga sa ikanasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Cagayan de Oro City Police Station 4 sa Zone 1, Barangay Bulua, Cagayan de Oro City nito lamang Nobyembre 29, 2023.
Kinilala ni Police Major Mario Mantala Jr, Station Commander ng Cagayan de Oro City Police Station 4, ang binatilyo na suspek na si alyas “Dodong”, 22 anyos at residente ng Barangay Camaman-an, Cagayan de Oro City.
Dakong 7:39 ng gabi nang madakip ang suspek sa ikasang buy-bust operation ng mga operatiba ng Cagayan de Oro City Police Station 4 – Drug Enforcement Unit na nagresulta sa pagkakakumpiska ng apat na pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na 0.5 na gramo na may halagang Php3,400; isang asul na sling bag; pitaka at Cal .38 Revolver na may dalawang bala at Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Ang Cagayan de Oro City PNP ay hindi titigil na hulihin ang mga taong nagkasala sa batas.