New Bataan, Davao de Oro (January 18, 2022) – Napakalayo man ng lugar ay matagumpay na naiturn-over ang Spindle-type Abaca Stripping Machine sa mga miyembro ng Pagsabangan Corn Farmers Association o PAGCOFA ng Brgy. Pagsabangan, New Bataan, Davao de Oro mula sa Department of Agriculture sa pamamagitan ng proyektong inilunsad ng Special Area for Agriculture Development o SAAD sa tulong at pagsisikap ng Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB) New Bataan noong Enero 18, 2022.
Inorganisa ng unang batch ng R-PSB ang nasabing organisasyon sa pangunguna ni PCpt Marion Sibayan noong Hunyo 10, 2020 at patuloy na tinutulungan at sinusubaybayan ng kasalukuyang team sa pamumuno ni PLt Ramil Anthony Maxey.
Ang nasabing post-harvest equipment ay kayang magproseso ng 100 hanggang 120 kilo ng Abaca kada araw na malaki ang maitutulong sa mga magsasaka upang mapabuti ang kanilang produksyon. Ang mga miyembro ng nasabing organisasyon kasama ang R-PSB Team ay tinuruan ng eksperto ng DA kung paano paandarin ang nasabing kagamitan upang matiyak na ito ay magagamit ng maayos.
Hindi mapipigilan ng ulan, putik at ano mang insidente ang R-PSB New Bataan at DA maihatid lamang ang tunay na serbisyo sa ating mga kababayan.
###
Panulat ni Patrolwoman Rose Ann M Delmita
Serbisyo publiko tatak PNP