Quezon – Arestado sa kasong Grave Threat at paglabag sa RA 10591ang isang lalaki na nagbanta at nanutok ng baril sa isang pulis sa ikinasang swift dragnet operation ng Quezon PNP nito lamang Nobyembre 27, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Ledon Monte, Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Ian’’, 34, residente ng Brgy. Talisay, Tiaong, Quezon.
Naaresto ang suspek sa harap ng Sariaya Municipal Police Station, Brgy. Sto. Cristo, Sariaya, Quezon, pagkatapos makatanggap ng ulat ng isang grave threat incident at panunutok ng baril sa isang pulis upang mahuli ang suspek na nagbalak pang tumakas.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang baril na caliber .38 kasama ang isang magazine at limang bala at nahaharap sa kasong grave threat at paglabag sa RA 10591 kaugnay sa Omnibus Election Code (Comelec Gun Ban).
“Patunay lamang ito ng Quezon Pulis kung umaksyon mabilis at mayroong swift law enforcement and operations sa pangkaligtasan ng ating pamayanan sa mga taong banta sa panseguridad at kapayapaan ng pang-araw-araw na pamumuhay ng ating mga kababayan,’’ pahayag ni PCol Monte.
Source: Quezon Police Provincial Office-PIO
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel Dulin