Isabela – Binasbasan at pinasinayaan ang bagong Patrol Base ng RMFB 2 sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Christian Arc Caoile na ginanap sa Brgy. Lepanto, Quezon, Isabela noong ika-27 ng Nobyembre 2023.
Pinangunahan ang aktibidad ni Deputy Regional Director for Administration Police Colonel Rodelio Samson at Municipal Mayor Jimmy Gamazon.
Ito ay itinatag upang magsilbing Regional Border Control Point, Anti-criminality, at Internal Security Operations alinsunod sa mandato ng Regional Mobile Force Battalion 2.
Ang proyektong ito ay isang testamento at pagpapatunay na walang imposible kapag nagkaisa. Ito ay inspirasyon ng 201st Maneuver Company na lalo pang maging masipag at epektibo ang kanilang pagtupad sa tungkulin bilang alagad ng batas.
Source: RMFB2
Panulat ni PCpl Kelvin Paul Juan