Pangasinan – Arestado ng Urdaneta PNP ang isang lalaki sa kinakaharap nitong kasong Rape sa Brgy. Anonas, Urdaneta, Pangasinan nito lamang Martes, ika-28 ng Nobyembre 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Lawrence Keith Calub, Hepe ng Urdaneta City Police Station ang suspek na si Justin Pol Ali Garin Suba, 19, walang asawa, at residente Brgy. Anonas, Urdaneta, Pangasinan.
Ayon kay PLtCol Calub, inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain ng Urdaneta City Police Station katuwang ang Criminal Investigation and Detection Group Urdaneta sa kasong Rape na walang nirekomendang piyansa.
Ang operasyon ng Urdaneta PNP ay naging matagumpay dahil sa pakikipagtulungan ng mamamayan upang mapaigting ang kampanya kontra kriminalidad para mapanagot ang mga taong may sala sa batas.
Source: Urdaneta CPS
Panulat ni PSSg Marvin Jake Romero