San Pablo City, Laguna (January 19, 2022) – Arestado ang maglive-in partner na nangloob sa isang Seven Eleven (7-11) convenience store sa Brgy. Del Remidio, San Pablo City, Laguna noong Enero 19, 2022 dakong 8:30 ng umaga.
Kinilala ang dalawa sa tulong ng manager ng Convenience store na sina Kevin Ranther C. Medrano, 25 years old, online moderator, at ang kanyang live-in partner na si April Joy A. Abaquita, 23 years old, residente ng Barangay VI-E, San Pablo City, Laguna.
Anya ng isang cashier sa nasabing store na si Judy Ann Tigbao, ginapos sila ng mga suspect at sinabing huwag nang lumaban upang hindi na masaktan.
Ang tangkang pagtakas ng mga suspect ay naalintana sapagkat agarang pinutol ni Judy Ann ang tali ng kanyang kamay upang makahingi ng saklolo sa mga tao. Mabilis na rumesponde ang mga bantay ng Barangay Del Remidio at ang mga otoridad ng naturang lungsod.
Nabawi ang pink/green na sling bag na may lamang Php99,940 na ninakaw ng dalawa.
Sa ngayon, ang mga suspek ay nasa pangangalaga ng San Pablo City Police Station at kakaharapin ang kasong robbery hold-up.
Labis naman ang pasasalamat ni Police Colonel Rogarth Ocampo, Acting Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office sa mga force multiplier at sa mga taong tumulong sa kanilang kooperasyon at tiwala sa pambansang pulisya.
Ito ay patunay na mas epektibo ang pagpuksa ng pambansang pulisya sa kasamaan sa pamamagitan ng tulong at kooperasyon ng komunidad.
#####
Panulat ni Patrolman Marvin Riance T Avila
Good Job salamat sa PNP