Cauayan City, Isabela (January 20, 2022) – Arestado ang isang magsasaka mula Purok 7, Brgy. Casalatan, Cauayan City, Isabela dahil sa paglabag sa Omnibous Election Code (BP 881) matapos itong maglabas ng baril sa isang inuman noong Enero 20, 2022.
Ayon sa imbestigasyon, nakikipag-inuman ang suspek kasama ng kanyang mga kamag-anak ng biglang kinuha nito ang isang kalibre 45 na baril mula sa U-box ng kanyang motorsiklo at nagsimulang manggulo.
Agad siyang inawat ng kanyang bayaw at naagaw mula sa suspek ang nasabing baril. Ibinigay ito sa kapitan ng barangay at agad tinawag ang pangyayari sa Cauayan City Police station. Mabilis namang nirespondehan ito ng mga kapulisan.
Dinakip ng mga kapulisan mula Cauayan City Police Station ang suspek na kinilalang si Roel Alejandre Batuy, 41 anyos, magsasaka. Dinala ang suspek sa Cauayan City Police Station para sa nararapat na disposisyon at karagdagang imbestigasyon.
“Patuloy ang pagpapaigting ng mga kapulisan ng Cauayan City Police Station upang madakip ang sinumang lalabag sa Omnibus Election Code. Ito ay para mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa nalalapit na National and Local Election 2022,” ani Police Lieutenant Colonel Sherwin Cuntapay, Chief of Police.
?Cauayan CPS
####
Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi
Saludo ako s mga kapulisan