Ilocos Sur – Arestado ng Tagudin PNP ang isang Most Wanted Person sa kasong Lascivious Conduct sa Brgy. Becques, Tagudin, Ilocos Sur nito lamang ika-24 ng Nobyembre 2023.
Kinilala ni Police Major Omar David, Officer-In-Charge ng Tagudin Municipal Police Station, ang suspek na si Romano Valdez Ulipido, 49, residente ng Brgy. Becques, Tagudin, Ilocos Sur.
Bandang 1:16 ng tanghali ng maaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest at mayroong rekomendadong piyansang Php120,000.
Ang Tagudin PNP ay patuloy sa pagsasagawa ng operasyon laban sa mga taong may pananagutan sa batas upang mapanatiling ligtas, tahimik, at maayos ang komunidad.
Source: Tagudin, Municipal Police Station, Ilocos Sur
Panulat ni Patrolman Dennis P Carinal