Guihulngan City, Negros Oriental (January 18, 2022) – Agarang tulong ang naging tugon ng mga tauhan ng Guihulngan City Police Station na sina PSSg Saragin Rosalia, PSSg Regolo Maribao, PCpl Josie Fiel at PCpl Jestoni Anog, na pinangasiwaan ni PLtCol Roland Desiree Lavisto, Acting Chief of Police, sa isang pamilya sa Brgy. Malusay, Guihulngan City, Negros Oriental nito lamang ika-18 ng Enero, 2022.
Ang naging aksyon ng ating kapulisan ay matapos ilahad ni PSSg Maribao ang kalagayan ng pamilya na lubos na nasiraan ng tahanan sa pagsalanta ng bagyong Odette sa kabisayaan noong nakaraang taon.
Higit na naantig ang damdamin ng ating kapulisan ng dumating ang mga ito sa nasabing lugar at nang nasilayan nila ang tinutuluyan ng pamilya na isa lamang tent.
Nang walang pagdadalawang-isip, agad na tumugon at tumulong ang mga tauhan ng Guihulngan CPS upang mapatayo ang bagong tahanan ng pamilya. Agad na nasimulan ang nasabing pagkukumpuni ng bahay dahil sa tulong na rin ni G. Kenneth Lucio Tenebro at ng kaniyang mga kasamahan, sa pamimigay ng mga ito ng mga kakailanganing materyales para sa konstruksyon.
Maliban sa pagkukumpuni ng tirahan, nag-abot din ang mga nasabing personnel ng Guihulngan CPS ng food packs, water container, at cash assistance. Ipinaabot naman ni G. Tenebro ang mga kumot, unan at banig para sa mga tinulungang pamilya.
#####
Panulat ni Patrolman Edmersan Pagallamman Llapitan
Daghan salamat sa mga Kapulisan