Arestado ang tinaguriang Top 7 Regional Priority Target at tatlo pa nitong kasama sa sinalakay na drug-den ng mga awtoridad sa Brgy. Libtong, San Miguel, Leyte nitong ika-22 ng Nobyembre 2023.
Kinilala ang mga naaresto na sina alyas “Kambal”, 32, walang trabaho at isang High Value Individual; alyas “Anton”, 47, rice mill operator; alyas “Jes”, 31; at alyas “Gab”, Grade 10 student.
Ang isinagawang joint drug buy-bust operation ay ikinasa ng mga tauhan ng San Miguel Municipal Police Station – Station Drug Enforcement Unit (lead unit) sa pangunguna ni Police Major Ronald Espina; PDEA VIII – Leyte Provincial Office; at 124 SAC 12 SAB PNP SAF.
Narekober mula sa mga suspek ang 7 gramo ng hinihinalang droga na nagkakahalaga ng Php47,600 at iba pang mga drug paraphernalia.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Tinitiyak ng PNP sa publiko na patuloy ang kanilang Anti-Illegal Drugs Operation sa pagsugpo sa aktibidad ng ilegal na droga sa kanilang nasasakupan tungo sa mas ligtas at maayos na pamayanan.