Zambales – Nasabat ang mahigit Php2 milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad na nagresulta sa pagkakadakip ng tatlong suspek sa Brgy. Calapacuan, Subic, Zambales nito lamang Miyerkules, ika-22 ng Nobyembre 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Rommel Geneblazo, Chief of Police ng Subic Municipal Police Station, ang mga drug personalities na sina alyas “Roger”, “John” at “Ace”.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang hinihinalang shabu na may street value na Php2,012,800, isang 38 calibre revolver at walong bala.
Sasampahan ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Patunay lamang na ang Subic PNP ay seryoso sa pagpapaigting ng kampanya laban sa ilegal na droga at kriminalidad sa kanilang nasasakupan.
Source: Subic Municipal Police Station
Sa panulat ni PCpl Jeselle V Rivera