Cebu – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng Cebu City Police Office sa SOS Children’s Village, Talamban, Cebu nito lamang Martes, Nobyembre 21, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Ireneo Dalogdog, City Director ng Cebu City Police Office katuwang si Police Lieutenant Colonel Conrado Manatad, DCDA, Grab Family, Jollibee Talamban, PNP Health Service at Force Multipliers.

Tampok sa aktibidad ang feeding activity, pamamahagi ng Jollibee, school supplies, bigas, kagamitan sa bahay at grab bag na naglalaman ng samut saring mga pagkain.
Bukod pa rito, tinuruan din ng PNP Health Service ang mga bata ng tamang paghuhugas ng kamay at pagsisipilyo.

Ang makabuluhang aktibidad ay alinsunod sa ika-31st National Children’s Month na may temang “Healthy, Nourished, Sheltered; Ensuring the Right to Life for All” kung saan naging masaya ang aktibidad matapos makipagsayawan at aliwin ni Jollibee ang mga batang naging bahagi ng naturang programa.
Taos-pusong pasasalamat ni Mr. Mario Victor Baang, SOS Village Director sa mga aktibidad na inilunsad ng kapulisan at sa lahat ng mga lumahok upang maisakatuparan ang naturang aktibidad na siyang malaking tulong sa mga bata.