Tinatayang Php1,250,000 halaga ng mga smuggled cigarettes ang nasabat ng mga awtoridad sa baybaying bahagi ng Purok Islam, Brgy. Glan-Padidu Glan, Sarangani Province, bandang 2:00 ng madaling araw nito lamang Nobyembre 21, 2023.
Ayon Kay Police Brigadier General Jimili Macaraeg, Regional Director ng Police Regional Office 12, nakatanggap ng tip ang Glan Municipal Police Station mula sa isang hindi pinangalanang informant tungkol sa nangyayaring shipment ng mga smuggled cigarettes sa naturang lugar at tangkang ibibyahe papuntang Palimbang, Sultan Kudarat.
Agad rumesponde ang Glan PNP kasama ang mga tauhan ng PNP Maritime Group at 1st MANEUVER ng Sarangani Provincial Mobile Force Company at tumambad ang mga abandonadong kahon-kahong smuggled cigarettes na pinaniniwalaang galing pa sa Indonesia.
Nakuha ng mga awtoridad ang 28 na kahon ng puslit na sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng Php1,250,000.
Patunay lamang ang tagumpay ng naturang operasyon sa mas pinaigting na kampanya ng PRO 12 para sa mga kontrabando tungo sa mas maayos at maunlad na pamayanan.