Laguna – Arestado sa ikinasang manhunt operation ng Paete PNP ang Top 1 Municipal Most Wanted Person sa kasong Carnapping nito lamang Nobyembre 20, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Harold Depositar, Acting Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office, ang suspek na si alyas ‘’Renz’’, residente ng Paete, Laguna.
Naaresto ang suspek ganap na 5:25 ng hapon sa Brgy. Bagong Silang, Lumban, Laguna ng mga operatiba ng Paete Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa RA 10883 o “New Anti-Carnapping Act of 2016” na may inirekomendang piyansa na Php300,000.
“Ang pagkaaresto ng akusadong ito ay resulta ng walang tigil na pagtugis ng Laguna PNP laban sa mga nagtatago sa batas. Sinisiguro po namin sa inyo na mas lalo pa naming palalawigin ang mga ganitong police operation para mabigyan ng hustisya ang mga biktima nitong mga nagkasala sa batas”, pahayag ni PCol Depositar.
Source: Laguna Police Provincial Office
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin