Cabanatuan CIty, Nueva Ecija (January 19, 2022) – Sugatan ang isang pulis samantalang napatay naman ang isang suspek na sangkot sa kaliwa’t kanang pagnanakaw at panghohold-up sa isinagawang operasyon ng otoridad sa Cabanatuan City, Nueva Ecija noong Enero 19, 2022.
Kinilala ni PCol Rommel Ochave, Acting Provincial Director ng Bulacan PNP, ang nasugatang pulis na si Patrolman Aizar Hajar na nakabase sa Sta. Maria MPS at ang napatay na suspek na si Alias Tolits.
Ayon sa imbestigasyon, ang Cabanatuan CPS Intelligence Operatives kasama ang Santa Rosa Police Station, Nueva Ecija Police Provincial Office, Santa Maria MPS, Bulacan Police Provincial Office, Intel Operatives ng Provincial Intelligence Unit, NEPPO, at Nueva Ecija Criminal Investigation and Detection Team ay agarang nagsagawa ng isang dragnet operation matapos nilang makilala ang suspek na kasangkot sa magkasunod na insidente ng pagnanakaw sa Barangay, Mabini Extension Cabanatuan City at Brgy. Isla, Santa Rosa, Nueva Ecija.
Ayon pa sa ulat, hinabol ng mga kapulisan ang suspek matapos nitong tangkaing tumakas gamit ang kaniyang motorsiklo at nang aarestuhin na siya ay nagpaputok ito ng baril at dito napilitang pinaputukan ng pulis ang suspek na nagresulta ito ng kanyang pagkamatay. Dahil din sa engkwentrong naganap ay natamaan ng bala si Pat Hajar na agad naman naisugod sa Premiere General Hospital at nasa maayos na itong kalagayan.
Napag-alaman na ang napatay na suspek ay sangkot din sa isang robbery hold-up noong Oktubre 27, 2021 sa Centro, Brgy. San Jose Patag, Sta. Maria, Bulacan.
Samantala, nahuli naman ang kanyang dalawang kasamahan na kinilalang sina Christian Soro at Reymark Hipolito na parehong residente ng Brgy. Samon, Cabanatuan City.
Narekober sa mga suspek ang isang (1) 9mm pistol; isang (1) granada; apat (4) na plastik ng pinaghihinalaang shabu; isang (1) itim na helmet; isang (1) bag; isang (1) itim na Yahama Aerox; Honda Click 125cc; at gamit na ninakaw ng mga suspek tulad mga ID, ATM card, pitaka at pera.
Ang mga naarestong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng Cabanatuan CPS at nahaharap sila sa kaukulang kasong ipapataw sa kanila.
####
Panulat ni Pat Hazel Rose Bacarisa
Husay at galing salamat sayo sir