Negros Oriental – Muling nagpaabot ng tulong ang kapulisan ng Guihulngan Police Station kasunod ng matagumpay na paglulunsad ng Community Outreach Activity sa Sitio Baybay, Barangay Basak, Guihulngan City, Negros Oriental, umaga ng Biyernes, Nobyembre 17, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni PLtCol Romeo Cubo, Hepe ng Guihulngan Police Station at sa supporta at partisipasyon ng mga miyembro ng 64th Special Action Company PNP Special Action Force katuwang ang Sulaiman Umpar Muslim Community.

Naipamahagi ng grupo ang mga food packs na handog sa mga residente ng nasabing barangay.
Kasabay ng aktibidad muling hinimok ng mga awtoridad ang mga residente na ipagpatuloy ang pakikiisa at partisipasyon sa pagsusulong ng kaayusan at kapayapaan ng komunidad.
Ang pagbibigay katuparan ng programa ay bahagi at alinsunod sa 5-Focus Agenda ng PNP partikular sa ‘Community Engagement‘ na naglalayong pagtibayan ang ugnayan ng pulisya at komunidad tungo sa adhikain na serbisyong nagkakaisa.