Davao Oriental – Arestado ang isang wanted person sa patuloy na isinagawang Manhunt Charlie operation ng mga awtoridad sa Purok Dalisay 1, Brgy. Matiao, City of Mati nito lamang Nobyembre 18, 2023.
Kinilala ni Police Major Anthony Gumban, Chief of Police ng Mati City Police Station, ang suspek na si alyas “Jhonlery”, 21, residente ng nasabing lugar at tinaguriang Top 8 Most Wanted Person sa City Level.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain ng pinagsamang tauhan ng Mati City Police Station at 1103rd Regional Mobile Force Battalion 11 sa kasong 3 counts ng Rape na walang piyansang inirekomenda.
Ang pagkakadakip sa suspek ay resulta ng patuloy na pagsisikap ng Police Regional Office 11 na hulihin ang mga wanted persons sa pamumuno ni Police Brigadier General Alden Delvo, Regional Director.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara