Basilan – Nagsagawa ng community outreach program ang mga miyembro ng 3rd Regional Mobile Force Company, RMFB BASULTA sa Sitio Lagasan, Brgy. Kulaybato, Lamitan City, Basilan, nito lamang ika-16 ng Nobyembre 2023.
Pinangunahan ni Police Captain Ferick Jay Comafay, Company Commander ng 3rd RMFC, RFMB BASULTA, ang nasabing aktibidad na kung saan, namahagi ang grupo ng grocery packs sa mga pamilya ng nasabing lugar.

Ito ay kaugnay rin sa pagdiriwang ng anibersaryo ng batch “Kasintalab” (2018-01) at “Malantas” (2020-04).

Isa sa mga parte ng aktibidad ay makapagbigay siglang palaro sa mga kabataan at pagpapakain.

Layunin ng aktibidad na ipadama sa mga kabataan ang kahalagan ng kanilang kinabukasan at naglalayong mabigyan ng tulong ang mga lubos na nangangailangan at mapagtibay ang magandang ugnayan ng PNP at pamayanan.
Panulat ni Patrolman Mark Vincent Valencia