Misamis Occidental – Timbog ang Top 9 Regional Drug Priority Target/High Value Individual (HVI) sa isinagawang Search Warrant Operation ng Ozamiz City PNP at Misamis Occidental 2nd Provincial Mobile Force Company nito lamang ika-15 ng Nobyembre 2023 sa Purok Matinud-anon, Brgy. Maningcol, Ozamiz City, Misamis Occidental.
Kinilala ni Police Colonel Dwight Monato, Acting Provincial Director ng Misamis Occidental Police Provincial Office, ang Top 9 Regional Drug Priority Target / High Value Individual na si alyas “Brian”, 24 anyos at residente ng nasabing lugar.
Bandang 5:10 ng umaga nang isagawa ang Search Warrant Operation ng mga awtoridad na may SW No. 02-2023 at 03-2023 sa kasong paglabag sa RA 9165.
Sa naturang operasyon nakumpiska ang 13 pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na anim na gramo at may Standard Drug Price na Php40,800; isang Cal .40 Pistol na walang Serial Number; dalawang steel magazine; isang Cal .22 na may limang pirasong bala at mga drug paraphernalia.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation.
Patuloy na ginagampanan ng Misamis Occidental PNP ang mandato na labanan ang anumang uri ng ilegal na droga at kriminalidad upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan sa nasasakupang probinsya.
Panulat ni Patrolman Joshua Fajardo