Pangasinan – Timbog ang isang wanted person na may kasong 2 Counts of Rape sa Brgy. Libas, San Carlos City, Pangasinan nito lamang ika-14 ng Nobyembre 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Jose Abaya II, Chief of Police ng San Carlos City PNP, ang suspek na si Eduardo, 50, construction worker at residente ng Brgy. Pangoloan, San Carlos City, Pangasinan.
Ayon pa kay PLtCol Abaya, naaresto ang suspek bandang alas 2:13 ng hapon sa bisa ng dalawang Warrant of Arrest na inihain ng San Carlos City Police Station sa kasong Two (2) Counts of Rape na walang nirekomendang piyansa.
Samantala, patuloy pa rin ang San Carlos City PNP sa pagsulong ng kampanya laban sa kriminalidad upang mas mapagtibay pa ang pundasyon ng isang ligtas at maayos na lipunan.
Source: San Carlos City Police Station
Panulat ni PCpl Johndel L Supremo