Bukidnon – Sa kulungan ang bagsak ng isang 39 anyos na lalaki matapos masakote sa buy-bust operation at mahulihan ng tinatayang Php161,092 halaga ng shabu sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Purok 9, Brgy. Poblacion, Cabanglasan, Bukidnon nito lamang ika-12 ng Nobyembre 2023.
Kinilala ni Police Colonel Jovit Culaway, Provincial Director ng Bukidnon Police Provincial Office, ang naarestong suspek na si alyas “Joseph”, 39, musician, at residente ng Malaybalay City, Bukidnon.
Bandang 1:35 ng madaling nang ikasa ang operasyon ng pinagsanib pwersa ng Cabanglasan Municipal Police Station, Bukidnon PNP, at 1st Bukidnon Provincial Mobile Force Company sa nabanggit na lugar.
Nakuha mula kay Joseph ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na 23.69 gramo na may halaga na aabot sa Php161,092, dalawang pirasong Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money, drug paraphernalias, at isang motorsiklo.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy ang Bukidnon PNP sa pagsiguro ng kaayusan at kapayapaan sa kanilang nasasakupan.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris