Trece Martires City, Cavite (January 20, 2022) – Ginawaran ng parangal ng Trece Martires City Police Station sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Giovanni Martinez, sina Police Staff Sergeant Aljernol Puspos at Police Corporal Alvin Nepomuceno.
Ang parangal ay dahil sa ipinamalas na kabayanihan sa pagligtas kay Annabel Pegollo, 40 taong gulang at residente ng Tambo Ilaya, Indang, Cavite matapos nitong magtangkang magpakamatay sa Mag-asawang Layon Bridge nitong Enero 20, 2022.
Napag-alamang sobrang daming kinakaharap na problema ang naturang ginang kaya ito ay nagtangkang tumalon sa tulay.
Nakuhanan ng close-circuit television ang tangkang pagpapakamatay nito at nakita sa video ang ipinamalas na kabayanihan nina Police Staff Sergeant Puspos at Police Corporal Nepomuceno. Walang alinlangan nilang tinakbo ang kalsada at hindi inisip na maaari silang masagasaan ng mga tumatakbong sasakyan mailigtas lamang nila ang ginang.
Ganyan ang Cavite Police, tunay na may malasakit!
#####
Panulat ni Police Corporal Teody Aguilos
Saludo s mga kapulisan