Tuesday, December 24, 2024

Moving the Youth Towards Peace and Development 2.0, isinagawa ng Mt. Province PNP

Mt. Province – Isinagawa ng Mt. Province PNP ang Moving the Youth Towards Peace and Development 2.0 na ginanap sa Tamboan National High School, Besao, Mt. Province nito lamang Nobyembre 10–12, 2023.

Ang aktibidad ay pinasimulan ng Mt. Province PNP katuwang ang LGU Besao kung saan nilahukan ng 49 na mga kabataan at estudyante mula Grade 7-11 ng nasabing paaralan.

Ang pagsasanay ay binuo ng mga talakayan sa mga paksa kabilang ang Youth Leadership, teenage pregnancy, responsableng paggamit ng social media, drug awareness, anti-radicalization, ang limang wika ng pag-ibig, ang 90/10 na prinsipyo ng buhay, at kalusugan ng isip.

Tinalakay rin ang mga kasanayan tulad ng komunikasyon, paggawa ng magandang desisyon, positibong paninindigan, positibong pag-iisip, pagtatakda ng layunin, at pamamahala ng oras.

Tampok rin ang mga aktibidad tulad ng slogan at guidon making, MYPD 2.0 Got Talent, team building activities, at mga relihiyosong aktibidad tulad ng reflection at Sunday Mass kung saan napag-isipan ng mga kalahok ang kahalagahan ng pamilya, value formation, collaboration, teamwork, at personal na paglago sa kanilang kakayahan at abilidad.

Samantala, hinikayat ni Police Lieutenant Colonel Bernardo Wong, Deputy Provincial Director for Operations ng Mt. Province PNP ang mga kabataang kalahok na isulong ang kapayapaan sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng kakayahan sa pakikipagkapwa, pagsulong sa pagkakaunawaan, at pagtanggi sa karahasan at poot.

Kanya ding binigyang-diin ang kahalagahan ng mapayapang pamumuhay at ang papel na ginagampanan ng kabataan sa paghubog ng isang maayos na lipunan.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,330SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles