Davao City – Arestado ang isang indibidwal sa patuloy na isinasagawang Manhunt Charlie operation ng mga awtoridad sa Poblacion Lower Tamugan, Marilog Dist., Davao City nito lamang Nobyembre 9, 2023.
Kinilala ni Police Major Nelson Violan Jr, Station Commander ng Marilog Police Station, ang suspek na si alyas “Jay”, 37, residente ng Marilog District, Davao City na tinaguriang Top 1 Most Wanted Person sa City Level.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain ng pinagsamang tauhan ng Marilog Police Station at City Intelligence Unit katuwang ang City Mobile Force Company sa mga kasong 3 counts ng Lascivious Conduct, 3 Counts ng Qualified Statutory Sexual Assault, 3 Counts ng Acts of Lasciviouness at 2 counts ng Acts of Lasciviousness in relation to R.A. 7610.
Ang pagkakadakip sa suspek ay isa lamang sa mga matatagumpay na operasyon ng Police Regional Office 11 upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Rehiyon Onse sa pangunguna ni Police Brigadier General Alden Delvo, Regional Director.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara