Laguna – Arestado ang dalawang Laguna Provincial Most Wanted Persons sa ikinasang magkahiwalay na manhunt operations ng Cabuyao at Biñan PNP nito lamang Nobyembre 6, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Harold Depositar, Officer-In-Charge, Laguna Police Provincial Office, ang dalawang suspek na sina alyas “Samuel’’, Top 7 Most Wanted Person sa probinsya ng Laguna at alyas “Rommy’’, Top 8 Most Wanted Person sa probinsya ng Laguna.
Naaresto si alyas “Samuel’’ ganap na 1:30 ng hapon sa Brgy. Loma, Biñan City, Laguna ng mga operatiba ng Biñan City Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Acts of Lasciviousness na may nirerekomendang piyansa na aabot sa Php200,000.
Samantala, naaresto naman si alyas “Rommy’’ ganap na 1:19 ng hapon sa Brgy. Sala, Cabuyao City, Laguna ng mga miyembro ng Cabuyao City Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa R.A 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016 na walang nirerekomendang piyansa.
Ayon sa pahayag ni PCol Depositar, “Sa magandang ugnayan ng pulis at komunidad ay mas napapabilis at nagiging produktibo ang aming mga police operations. Ipagpatuloy natin ito.”
Source: Laguna Police Provincial Office
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Duli