Rizal – Tinatayang Php124,200 halaga ng shabu ang nakumpiska mula sa isang construction worker at kasamang nitong lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng Binangonan PNP nito lamang Sabado, Nobyembre 4, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Felipe Maraggun, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, ang dalawang suspek na sina alyas ‘’Jessy’’, 40, lalaki, construction worker at alyas ‘’Payat’’, 18, lalaki; parehong nakatira sa Binangonan, Rizal.
Naaresto ang mga suspek bandang 10:30 ng gabi sa kahabaan ng 0195 Sitio San Valentine St. Brgy. Pantok, Binangonan, Rizal ng mga operatiba ng Binangonan Municipal Drug Enforcement Team.
Nakumpiska sa dalawang suspek ang anim na pakete na may lamang hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na humigit kumulang 18 gramo at nagkakahalaga ng Php124,200, isang pirasong Php500 bill (buy-bust money), limang piraso ng Php100 bill (confiscated money), isang cellphone at isang coin purse.
Ang dalawang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Rizal PNP ay lalong masigasig upang mahuli ang mga taong patuloy na tumatangkilik at nagbebenta ng ilegal na droga para makamtam ang tahimik, ligtas at maayos na probinsya.
Source: Rizal Police Provincial Office
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin